16 patay, P1 bilyon pinsala sa bagyong ‘Mina’

LALO pang lomobo ang bilang ng mga namamatay at nawawala sa bagyong Mina sa Pilipinas.

Batay sa ulat  ni Usec. Benito Ramos, ang executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 16 ang bilang ng mga binawian ng buhay kung saan ang pinakahuling naidagdag sa talaan ay ang nalunod na bata sa Sinait, Ilocos Sur.

Naidagdag sa listahan ng NDRRMC ang biktimang sina Romeo Pingilin ng Mt. Province, Rustom Paul Joaquin ng Quirino province at Mark Lester Agdeppa ng Sinait, Ilocos Norte na pawang mga biktima ng pagkalunod.

Nanatili naman sa walo ang bilang ng mga nawawala habang 21 ang nasugatan.

Karamihan sa mga biktima ay mula sa Region 1 at Cordillera Administrative Region (CAR) habang walang naitalang casualty sa lugar na mismong tinamaan ng mata ng bagyo partikular sa lalawigan ng Cagayan.

Samantala, umabot naman sa mahigit P995 milyon ang pinsala sa imprastraktura, agrikultura at mga ari-arian.

Umakyat din sa 156,280 na katao ang naapektuhan ng kalamidad kung saan nasa mahigit 90,000 ang nasa loob pa rin ng mga evacuation centers mula sa 14 na lalawigan ng Regions 1, 2, 3, 5, 6 at CAR.

Habang 11 tulay at 33 lansangan ang nanatiling sarado sa mga motorista sa Region 1, 2 at CAR dahil sa landslides at baha, bagamat patuloy ang clearing operations ng DPWH.

Patuloy naman ang paalala ng pamunuan ng NDRRMC na maging laging handa laban sa kalamidad upang maiwasan ang matinding epekto nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply