16 Pinoy seamen kasama sa pinalaya ng Somali pirates

PINALAYA na ng Somali pirates ang Greek-owned ship at ang 24 na tripulante kabilang ang 16 na Pilipino.

Magugunita na na-hijack ang MT Polar noong Oktubre 2010.

Bukod sa mga Pinoy ay mayroon ding tatlong Montenegrin, tatlong Greek, isang Romanian at isang Serbian na tripulante.

Hindi nagdetalye ang kompaniya kung paano nakalaya ang barko pero binigyang diin na hindi raw sila tinulungan ng naval warships ng iba’t-ibang bansa na nagpapatrolya sa nasabing bahagi ng karagatan.

Pero isa sa mga tripulante ng barko na si Prudente Cabral ay namatay na bago pa man napalaya ang kanilang barko bunsod umano ng stroke.

Ayon sa Paradise Navigation, may-ari ng MT Polar, ngayon umano ay may 25 barko na hawak ang mga pirata sa Somalia at 600 na tripulante. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply