2 ‘Alabang Boys’ inabsuwelto

INABSUWELTO ng hukuman sa kasong kaugnay sa iligal na droga ang dalawa sa apat na miyembro ng tinaguriang “Alabang Boys” kaninang umaga (Biyernes, Agosto 26) sa Muntinlupa City.

Ang mga pinawalang-sala ni Judge Juanita Guerrero ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 204 ay sina Richard Brodett at Jorge Joseph.

Ayon kay Guerrero, hindi napatunayan ng prosecution ang pagkakasangkot nina Brodett at Joseph sa isinampang kaso laban sa grupo.

Maaalala na noong 2008 nang maaresto sina Brodett at Joseph ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Ayala-Alabang, Muntinlupa City, sa isang buy-bust operation.

Narekober sa mga nabanggit ang ilang tableta ng ecstasy, cocaine at marijuana. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply