2-anyos nakainom ng gaas, kritikal

KRITIKAL pa rin ang dalawang taong gulang na batang babae sa Cagayan De Oro City matapos makainom ng gaas sa ulat ng pulisya nitong Martes.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, kasalukuyan pa ring inoobserbahan ang paslit na biktima na si Princess Cleo Baslao, ng Barangay 23, nabanggit na lungsod.

Agad na isinugod ang bata sa Northern Mindanao Medical Center (NMMC) matapos magbago ang kulay nito at tila nawawalan na ng ulirat sanhi ng nainom na likido.

Sa pagsisiyasat ng awtoridad, lumalabas na nag-iihaw ng kanilang uulamin ang ama ng biktima at gumamit ng kerosene upang magpabaga ng uling nang hindi mapansin ang paglapit ng anak at agad na ininom ang gaas na nasa bote.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply