2 barko nagsalpukan sa Sarangani; 7 miyembro ng crew nawawala

NAGPAPATULOY ang isinasagawang search-and-rescue operation sa mga nawawalang miyembro ng crew ng isang barkong sangkot sa salpukan sa isa pang barko sa Sarangani kagabi (Martes, Agosto 9).

Nabatid sa Philippine Ports Authority (PPA) na naganap ang insidente nang magkasalubong ang Bulk Carrier 1 na papunta sana ng Dumaguete City at ang paparating na barkong Buccini, na pag-aari ng ATL.

Nagmula ang Buccini sa Davao City.

Napag-alamang dahil sa mas maliit ang Bulk Carrier 1 na may kargang mais ay kaagad na lumubog.  Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang tinatayang pitong crew member ng barko na nawawala pa.

Nakaligtas naman ang 16 na crew member ng Buccini sa nasabing salpukan habang inaalam pa ng awtoridad kung may nasawi sa naturang pangyayari.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply