2 bebot utas sa onsehan sa droga sa Legazpi

ONSEHAN sa droga ang sinisilip na motibo ng pulisya kaya pinatay ng hindi nakilalang armadong lalaki ang dalawang babae sa Legazpi City.

Kapwa nagtamo ng tama bala ng 9mm pistol ang mga biktimang sina Amelia Lita, ng Camalig, Albay at isang nagngangalang Susan Nayve, walang permanenteng tirahan.

Blangko naman ang pulisya kung sino ang nagkasa ng krimen pero malaki ang hinalang paghihiganti ang motibo sa pagpatay sa mga biktima.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 8 Miyerkules ng gabi (Agosto 3) sa isang bisinidad sa national highway ng Barangay Cruzada.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, bago ang pamamaril ay naglalakad ang dalawang biktima sa lugar na bitbit ang isang handbag na may lamang pera na nagkakahalaga ng P200,000  at isang hindi malamang kalibre ng baril.

Ayon sa mga testigo, sa gitna ng pagpapalakad ay biglang sumulpot ang suspek na lulan sa walang plakang motorsiklo at sa hindi malamang dahilan ay pinagbabaril ang mga biktima.

Narekober ang bangkay ng mga biktima sa magkahiwalay na lugar na ang isa sa kanila ay natagpuan sa tapat mismo ng hotel na hinihinalang tinutuluyan nito.

Natagpuan ng pulisya ang ilang basyo ng  9mm pistol sa lugar ng krimen.

Ipinagtataka naman ng pulisya kung ano ang ginagawa ng mga biktima sa lugar at kung bakit may dala rin silang malaking halaga ng pera at baril.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply