2 bomba na-detonate sa Sultan Kudarat

MATAGUMPAY na na-detonate ng mga tauhan ng bomb disposal unit ang dalawang improvised explosive device (IED) sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ayon sa report ng Tacurong City PNP, narekober ang dalawang IED sa gilid ng national highway partikular na sa terminal patungo sa bayan ng Lambayong sa naturang lalawigan.

Ang bomba ay kaagad na pinaputok ng bomb squad ng Sultan Kudarat Provincial Police Office.

Sa kasalukuyan, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa posibleng motibo at kung sino ang mga suspek na nag-iwan ng naturang mga eksplosibo.

Samantala, inaalam din kung anong uri ng IED ang na-detonate. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply