2 dinukot sa Patikul, Sulu pinalaya na

PINAKAWALAN na ng mga abudctor ang dalawa katao na dinukot sa Patikul, Sulu.

Kinilala ang mga ito na sina Ambon Ahamad Blas at Perlita Bagay.

Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., dakong alas-6:00 ng umaga kanina nang palayain ang dalawa sa Barangay Latih, sa bayan ng Patikul.

Sa impormasyon, nagbayad ang pamilya ng dalawang biktima ng P100,000 ransom kapalit ng kalayaan ng mga ito.

Ang dalawa ay dinukot sa Sitio Baunoh sa Barangay Latih noong Agosto 21.

Isinailalim sa debriefing at medical checkup ang dalawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply