2 French national ninakawan na, hinipuan pa

NINAKAWAN na pinaghihipuan pa ang dalawang dalagang French national ng dalawang hindi pa nakikilalang mga lalaki na pumasok sa bahay ng mga una sa Caloocan City Huwebes ng madaling araw.

Nakilala ang mga biktima na sina Miriam Desprets, 23 at Laure Pezard, 23 mga Missionaries at kapwa ng C-3 Rd., ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-3 ng madaling araw, nagising na lang ang mga biktima nang maramdaman na nasa tabi na nila ang mga salarin sa loob ng kuwarto habang hawak ang mga patalim.

Kinuha ng mga salarin ang pera, alahas, cell-phone at kamera ng mga biktima.

Isa sa mga suspek ang humimas pa sa mga maseselang bahagi ng katawan ng dalawang biktima bago nagsitakas.

Nagsadya naman sa presinto ang mga biktima upang magreklamo.

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply