2 holdaper binuhusan ng kumukulong mantika ng 4 parak

NASA balag ng alanganin ngayon ang apat tauhan ng Manila Police District-Station 3 matapos ireklamo ng dalawang ginang sa umano’y pag-torture at pagbuhos ng kumukulong mantika sa kani-kanilang mga asawa na nauna nang inaresto sa kasong panghoholdap sa Sta. Cruz, Maynila.

Isasalang sa line up bukas ang naturang mga pulis na pawang nakatalaga sa Blumentritt  PCP na hindi muna pinangalanan.

Sa interview kay MPS-Station 3 Chief P/Superintendent James Afalla, inaresto sina Jerry Diaz, 38, ng 284 Dinalupihan St., Tondo, Maynia at Rommel Perez, 30, kapwa miyembro ng Sige-Sige Sputnik Gang, habang nakatakas naman ang isa pa nilang kasama na kinilala sa alyas na “Yoyoy.”

Sakay umano ng pampasaherong jeep ang mga biktimang sina Amelita Albacite, 24; Omar Bryan Reyes, 25 at Maria Cristina Galope, 22, nang sumakay ang mga suspek at nagdeklara ng holdap sa Rizal Avenue, malapit sa panulukan ng  Pampanga St., Sta. Cruz, Maynila dakong 3:30 ng madaling-araw noong Agosto 15.

Natiyempuhan naman ng anim na tauhan ng MPD_Station 3 na noon ay nagpapatrulya sa lugar ang panghoholdap ng mga suspek kaya agad na naaresto sina Diaz at Perez.

Pagdating umano sa Blumentritt PCP ay agad na isinailalim sa medical ang dalawa na-inquest ngunit pagbalik sa presinto ay nagalit ang  apat na pulis  kaya binuhusan ang mga ito ng mainit na mantika at pinagpapalo ng yantok sa buong katawan at ulo.

Dahil sa mga tinamong paso sa likod at balikat nina Diaz at Perez ay agad humingi ng tulong ang kanilang mga asawa sa tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) upang maimbestigahan ang mga sangkot na pulis.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply