2 holdaper tepok sa parak sa Kyusi

DALAWANG hinihinalang holdaper ang namatay makaraang makaengkuwentro ang mga pulis nang tangkain umanong pagnakawan ang isang taxi driver madaling-araw ng Sabado, Agosto 20, sa Quezon City.

Ayon sa report ng dzBB, nagtangka pang magpaputok ang dalawang magnanakaw nang maaktuhang ng mga pulis sa may kanto ng Apollo at Mercury Drugs Tandang Sora, naturang lungsod bandang 3 a.m.

Narekober sa mga suspek na hindi kaagad nakilala ang cal-.38 revolvers.

Nabatid pa kay Edwin Morales, driverng “R&E” taxi nang sumakay ang mga suspek sa kanyang taxi sa Commonwealth Avenue malapit sa Sandiganbayan, at nagpapahatid umano sa Project 4.

Nang malapit na sila sa Visayas Avenue, saka nagdeklara ang dalawa ng holdap at pilit kinukuha sa driver ang kanyang kita.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply