2 kawatan patay sa parak sa Maynila

DALAWANG pinaghihinalaang kawatan ang napatay makaraang mabaril ng pulis Maynila sa isang engkuwentro sa Sampaloc, bago maghatinggabi kagabi, Agosto 10.

Nabatid na nakaengkuwentro ng mga pulis ang dalawang suspek bandang 11:35 p.m. sa Espana Blvd. corner Algeciras St., Sampaloc, Manila.

Narekober sa riding-in-tandem suspects ang cal.38 revolver, isang coin purse na may lamang P500 bill at isang mobile phone.

Nakuha rin sa pinangyarihan ang may pitong basyo ng cal.9mm pistol.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply