2 kelot huli sa shabu sa Tacloban

Dalawang lalaki ang nahulihan ng limang gramong shabu sa lungsod ng Tacloban ng mga kawani ng PDEA.

Nakilala ang mga suspek na sina Val Lentijas, 22, isang estudyante sa isang kolehiyo sa nasabing siyudad, at Alvin Adelante, 28, walang trabaho at pawang residente sa Brgy. 64 Bliss, Sagkahan, Tacloban City.

Hawak ngayon ng PDEA ang ilang mga ebidensiya ng nakuha sa dalawa. Kabilang dito ang limang gramong shabu na nagkakahalaga ng P28,000.00, isang cellphone at dalawang P500 bill na ginawang marked money.

Kasalukuyang nasa kulungan ng PDEA ang dalawa at inihahanda na ang kaukulang kaso isasampa sa Tacloban City Prosecutor’s Office.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply