2 kelot patay sa rebelde

DALAWANG katao ang namatay makaraang barilin ng dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa General Santos City kaninang madaling-araw, Agosto 20.

Kinilala ni Chief Superintendent Felicisimo Khu, regional police commander, ang mga nasawi na sina Ali Dilanggalen at isang nagngangalang Odin.

Nabatid na pauwi na ang dalawang biktima sakay ng isang motorsiklo nang atakihin sila ng dalawang hinihinalang rebelde bandang 2 a.m.

Tumakas naman ang dalawang suspek gamit ang getaway motorcycle habang kasalukuyang inaalam naman ngayon ng awtoridad ang motibo ng pamamaril.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply