2 miyembro ng Palafox gang patay sa engkuwentro

NAPATAY sa enkuwentro ang dalawang hinihinalang miyembro ng Palafox robbery-hold up at gun for hire gang matapos makipagpalitan ng putok sa kawani ng San Fernando, Pampanga Police Miyerkules ng hapon, Agosto 17.

Ayon kay Pampanga Police Provincial Director Sr. Supt. Edgardo Tinio, hindi huminto sa checkpoint ang mga suspek na kilalang sina Aris Castro Palafox at Arnold Palafox, kapwa residente ng Maybubon, Guiamba, Nueva Ecija.

Sa halip na huminto ay pinaharurot pa ang kanilang motor bago nagpahabol sa mga awtoridad.

Nang magpang-abot ang pulis at mga suspek sa Barangay Del Carmen, San Fernando City  nakipagpalitan ng putok ang mga suspek na nagresulta sa pagkamatay ng mga ito.

Sinabi ni Tinio na ilang buwan din nilang isinailalim sa surveillance ang magkapatid na Palafox dahil umano sa pagkakasangkot ng mga ito sa serye ng holdap na naturang lugar.

Ang magkapatid ay kapawa security guards ng Petros Security and General Services and Golden Fort and Investigation Providers.

Narekober ng pulisya sa dalawa ang dalawang Calibre 38 revolver at isang .9mm Pistol. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply