2 NPA utas sa sagupaan sa Samar

PATAY sa loob ng halos 15-minutong bakbakan ang dalawang pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) nang kumasa sa mga miyembro ng 801st Brigade ng Philippine Army 8th Infantry Division sa Samar kaninang umaga (Lunes, Agosto 22).

Sinabi ni Lt. Col. Joel Nacnac, tagapagsalita ng 8th infantry Division, na nagpapatrulya ang mga naturang sundalo sa isang masukal na bahagi ng Barangay Sulupan Paranas, Samar nang sa di inaasahang pangyayari ay makasalubong nila ang may 10 rebelde ng Central Front Committee na nakabase sa naturang lugar.

Nagkanya-kanya ng pagtago ang ikinasa ng dalawang panig at nang kapwa makaposisyon ay nagpalitan na agad ng putok na tumagal ng halos 15 minuto.

Dahil sa mas marami ang bilang, sa gitna ng bakbakan ay tumimbuwang ang dalawag rebelde kaya naman agad na tumakas ang mga kasamahan pa nila.

Narekober mula sa pinangyarihan ng engkwentro ang apat na matataas na kalibre ng armas na naiwan ng mga rebelde matapos magapi ng mga tropa ng pamahalaan.

Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa panig ng mga sundalo.

Habang isinusulat ang balitang ito, ikinakasa pa rin ang clearing operation ng militar sa lugar habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga namatay na rebelde.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply