2 paslit patay sa landslide sa Bohol

DALAWANG paslit ang nasawi habang apat katao ang sugatan makaraang gumuho ang lupa bunsod ng bagyong Kabayan sa Bohol kahapon ng Linggo, Hulyo 31.

Batay sa 6:00 am update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong Lunes, Agosto 1, gumuho ang lupa sa isang quarry site sa Sitio Abatan, Brgy. Lincod, Maribojoc, Bohol bandang 3:30 a.m. kahapon.

“The Potat family and a couple of site workers were asleep in a makeshift shelter at the basement part when a portion of the said quarry gave way. The quarry owner, a certain Nomiriano Almene OF Brgy Cabawan, Maribojoc disclosed that the estimated damage to his property amounts to P500,000,” batay sa naturang update.

Nakilala ang nasawi na sina Junrey Potat, 4; at Princess Joy Potat, 2 habang sugatan naman sina Bonifacio Potat, 24; Marites Potat, 20; Jimmy Tirol, 30; Ronel Agot, 21

Ayon pa sa NDRRMC update, kasalukuyang ginagamot pa rin ang mag-asawang Potat habang si Tirol at Agot naman ay nagtamo lamang ng minor injuries.

Samantala, sinira ng bagyong Kabayan ang pitong kabahayan sa Paombong at San Jose del Monte City sa Bulacan. Naapektuhan din ang may 642 pamilya o 3,158 katao saw along barangay sa apat na bayan at isang siyudad sa Bulacan.

Kupkop naman ng anim na evacuation center ang may 204 pamilya o 967 katao.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply