2 patawirin, 4 pa nalason sa kabute sa GenSan

MALUBHA ang dalawang miyembro ng isang pamilya habang apat pa ang naospital matapos kumain ng kabute sa General Santos City.

Ayon kay Marietta Villanueva, lola ng mga biktima, niluto ng kanyang manugang na si Edilmark Villanueva ang kabuteng inani mula sa gilid ng kanilang bahay sa Purok San  Vicente, Barangay Olympog.

Kritikal si Edilmark at Bea Villanueva habang sumama rin ang pakiramdam ng ina ng huli na si Bernadeth, isang Esperanza Allera at ang dalawang magulang ni Marietta na kapwa matatanda na.

Hindi kumain ng kabute si Marietta.

Napag-alamang dalawang oras matapos kumain ng kabute, nakaramdam na ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagkahilo ang mga biktima kaya’t isinugod ang mga ito sa pagamutan.

Kasalukuyan naming sinusuri ang naturang kabuteng nakalason.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply