2 patay, 7 sugatan sa landslide sa Olongapo

DALAWA katao ang binawian ng buhay habang pito pa ang nasugatan sa naganap na landslide Martes ng umaga (Agosto 30), sa Sitio Bakinpuyo, Barangay Sta. Rita, Olongapo City.

Ang mga namatay na biktima ay nakilalang sina Ederlin Macapal, 54, at anak nitong si Manilyn, 12. Narekober ng rescue team ang bangkay ng mag-ina ilang metro ang layo mula sa kanilang bahay.

Sinasabing pitong iba pa kabilang na ang mister at kaanak ang sugatan na agad na isinugod sa pagamutan.

Dakong alas-9:00 ng umaga nang maganap ang pagguho ng bahagi ng bundok bunsod na rin ng walang tigil na mga pag-ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply