2 patay sa nagsalpukang pick-up, trike

PATAY ang dalawang lalaki habang sugatan naman ang tatlong iba pa na pawang sakay ng isang motorsiklo na aksidenteng nahagip ng pick-up truck kaninang umaga sa ulat ng pulisya sa Negros Occidental.

Sa report na nakarating sa Camp crame, naganap ang insidente bandang 6:00 ng umaga sa kahabaan ng national highway sa bisinidad ng Barangay 16, Talisay City, Negros Occidental.

Sangkot sa insidente ang isang Mitsubishi Estrada Pick-up na minamaneho ng isang  Richard Steven Milan, 19, ng Colegio San Agustin Bacolod.

Kinilala ng Talisay PNP ang mga namatay na sina Dionesio Aycayde, 40, driver ng traysikel at taga-Hacienda Sagrado, Brgy. Zone 16 Talisay City at Reynaldo Diodoco, 21.

Samantala, sugatan din sa nasabing vehicular accident sina Anarose Hermosana, 12, ng Mambucog Talisay City, Arvi Pugay, ng Bangga Sagrado Talisay City at Victoria Bayot, 63, ng Talisay City, pawang sakay ng tricycle.

Napag-alaman na patungo na sana sa kanyang paaralan ang estudyante ng mahagip ang traysikel at nabangga pa ang isang bahay na nasa gilid ng daan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply