2 patay sa rescue operation sa dinukot na Surigao mayor

IPINAHAYAG ng Armed Forces of the Philippines na nadagdagan pa ang bilang ng namatay na sundalo matapos ang hot pursuit and rescue operation sa bihag na si Lingig, Surigao del Sur Mayor Henry Dano sa Sitio Sitio Mahogany, Mahayahay, Lingig Surigao del Sur.

Kinilala ang nadagdag sa listahan ng namatay ay si Army Private Reymond Valencia ng 75th Infantry Battalion.

Isinugod si Eugenio sa bahay pagamutan ng Don Andres Soriano Hospital sa Bislig.

Una nang kinikilala ni Major Osias IV, na killed in action ang kanilang kasamahan na si Pvt. Wenceslao K. Peòa matapos nasabugan ng landmine na pinaghihinalaang itinanim ng mga rebeldeng grupo na humawak sa mga bihag.

Ang mga sugatang sundalo naman ay kinikilalang sina Sgt. Nazer C. Porras, Pfc. Luigie Pirote, II; Pfc. Eddie Castanares; Private Gilbert Laydan at isang CAA member Marianito Balingan, na mga miyembro ng 75th IB Philippine Army.

Sa kasalukuyan, ginagamot pa ang mga sugatan sa nasabing pagamutan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply