2 piloto tumestigo vs FG sa PNP chopper scam

MULING nakumpirma na pag-aari ni dating First Gentleman Mike Arroyo ang dalawang helicopter na ibinenta sa Philippine National Police (PNP) matapos idikdik ng dalawang piloto na isinasakay nila dito ang asawa at anak ng dating Pangulo, ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa kanilang testimonya sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee, humarap sina Capt. Marianito Labastilla at Capt. Dennis Silvestre upang patunayan na sila mismo ang nagpalipad ng dalawang kuwestiyonableng helicopter noong kasagsagan ng 2004 presidential elections.

Anila, kapwa sila tumatanggap ng instructions mula kay Archibald Po, may-ari ng Lion Air Inc.,m na maging piloto ni Arroyo na gamit ang dalawa sa tatlong helicopter na ibinenta ng Manila Aerospace Products Trading Corporation (MAPTRA) sa PNP noong 2009 sa halagang P105 milyon.

Sinabi ni Labastilla na inililipad niya si Mr. Arroyo galing sa Clark International Airport patungo sa iba’t ibang lugar sa Luzon at kung minsan galing sa helipad ng Malacanang na nagtungo naman sa Lubao, Pampanga upang dumalo ang unang ginoo sa birthday party ni Rep. Arroyo.

“In Luzon, I think I flew  the first gentleman, twice. The first for  the birthday of the ex-president, I flew him (Arroyo) to Lubao from Malacañang Palace,” ayon kay Labastilla.

Inihayag din niya na lumipad siya mula sa Clark patungo sa isang destinasyon sa Luzon noong 2004 sakay si Ang Galing Partylist Rep. Mikey Arroyo at minsan nang naisakay si Camarines Sur. Rep. Diosdado “Datu” Arroyo.

Ayon naman kay Silvestre na itinalaga siya ni Mr. Po sa Mindanao sa loob ng isang buwan upang paliparin ang kuwestiyonableng helicopter at isakay si Mr. Arroyo mula Tawi-Tawi hanggang Davao City.

Bukod kay Arroyo, sinabi pa ni Silvestre na naisakay din niya si dating Davao City Mayor Rodrigo Duterte kasama ang unang ginoo noong kasagsagan ng 2004 elections.

“Aside from FG, Mayor Duterte, all the rest I don’t know,” pahyag ni Silvestre sa komite.

Hindi na maalala ni Silvestre ang iba pang personalidad na naisakay niya gamit ang naturang helicopter na nagpapahatid sa iba’t ibang lugar sa Mindanao.

Kumukuha sila ng instructions mula kay Po bago at pagkatapos mailipad si Mr. Arroyo at bisita nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply