2 Pinay huli sa pamemeke ng dokumento sa HK

NAARESTO ng Hong Kong authorities ang dalawang Filipina makaraang mamemeke ng mga dokumento para makakuha ng Visa ang mga ire-recruit na Pinay at Sri Lankan Domestic Helpers.

Ang mga naturang Pinay na may edad 30 at 50 na pansamantalang hindi pinangalanan ay hinihinalang nagpapatakbo sa nasabing illegal recruitment agency.

Nahaharap sa 14 na taong pagkakakulong at multang mahigit P800,000 ang bawat isa kapag napatunayang nagkalasa.

Nakuha sa mga naturang Pinay ang mga hinuwad na dokumento, apat na computer at tatlong passport ng mga domestic helper matapos magsagawa ng raid ang Hong Kong authorities sa isang unit sa isang commercial building sa Mong Kok doon.

Kaugnay nito, sinabi ng Hong Kong immigration na kanilang ikakasa ang mas marami pang operasyon para mahuli ang mga sangkot sa nasabing sindikato.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply