2 Pinoy na dinukot sa Libya, nakatakas

INIULAT ngayon, Agosto 24, ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa ligtas na kalagayan ang dalawang Filipino engineers na dinukot ng mga rebelde makaraang makatakas ng mga ito sa kamay ng mga hostage takers.

Kinumpirma ni Foreing Affairs Spokesperson Raul Hernandes na ang dalawang engineer ay kinukupkop ngayon at naninirahan sa bahay ng kanilang kaibigan sa Tripoli.

Batay sa ulat, puwersahang pinasok ng mga rebelde ang housing unit ng mga overseas Filipino workers (OFWs) dakong 2:00 Lunes ng  medaling araw, Agosto 22, at sapilitang kinuha ang mga cellphone, laptop at mahahalagang kagamitan mga ito.

Makaraang nakawin ang mga mahahalagang kagamitan ay tumakas ang mga rebelde at muling nagbalik dakong 4:15 at tinangay ang tatlong sasakyan ng labor attaché, isang Kia Carens at Hyundai Tucson.

Bukod sa saksakyang ninakaw tinagay din ang dalawang Pinoy engineer pero nakatakas ang mga ito nang malingat ang mga dumukot na rebelde.

Sa kasalukuyan ay inihahanda ng DFA ang force evacuation sa 2,300 OFWs na nasa Libya. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply