2 PNP official sinibak na sa chili hazing

SINIBAK na sa pwesto ni PNP Chief, Director General Raul Bacalzo ang dalawang immediate superior officers ng 14 police trainers na sangkot sa chili hazing sa Laguna noong 2010.

Pinahaharap din sa imbestigasyon batay sa doktrina ng command responsibility sina Sr. Inspector Leopoldo Ferre Jr at Senior Inspector Klinto Rex Kamorol.

Si Ferre ang commanding officer ng 1st Maneuver Company ng Regional Public Safety Battalion ng CALABARZON habang si Jamorol ang course director ng PNP scout course ng mga panahong iyon.

Nadagdagan naman ng anim ang mga pulis na isinailalim sa restrictive custody sa Camp Vicente Lim sa Laguna dahil sa naturang kaso.

Kinilala ang mga ito na sina Police Officers 1 Randy Nabayra, Jodgi Vergara, Ezel Papa, Ramil de Guzman, Arnel Yadis at Alberto Umali.

Binigyang-diin ni Bacalzo na ang mga ganitong uri ng aktibidad ay walang puwang sa PNP kung saan pinaiiral ang respeto sa human rights at rule of law.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply