2 sugatan sa pagkaladkad ng Guiding Star bus sa van

ISA pang pampasaherong bus ng Universal Guiding Star ang nasangkot sa aksidente na ikinasugat ng dalawang katao sa Quezon Ave., Quezon City, Lunes ng gabi.

Nagtamo ng kapansanan sa ulo at sa iba’t ibang parte ng katawan ang drayber ng Toyota Hi-Lux van na si Herman Manalastas at ang sakay nitong isang nagngangalang William Rivas.

Bigla namang nawala na parang bula at ngayon ay tinutugis na ng mga tauhan Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 3 ang drayber ng bus na si Jonathan Quimlat, walang permanenteng tirahan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 10:15 ng gabi.

Ayon sa konduktor ng bus na si Jeffrey Pascual, nawalan ng preno ang bus kaya nabangga nito at kinaladkad hanggang sumalpok sa isang puno ang van ni Manalastas.

Sinabi naman ni Manalastas na normal lamang ang kanyang itinatakbo at nagulat na lamang siya nang biglang banggain siya ng bus.

Matatandaang noong nakaraang Mayo 13 lamang, isang unit ng Universal Guding Star ang kumitil sa buhay ng beteranang mamamahayag at UP professor na si Lourdes “Chit” Estella-Simbulan.

Binangga ng bus ng nasabing kumpanya ang taksing sinasakyan ni Estella-Simbulan sa tapat ng Techno Hub sa Commonwealth Ave., na tinatawag ding “killer highway.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply