2 tepok sa dengue sa Caraga region

DALAWA ang nasawi makaraang tamaan ng dengue sa Caraga region simula noong Enero 1 hanggang Agosto 10, kasalukuyang taon.

Ayon sa Caraga Department of Health (DOH) regional office, umabot na ng 525 kaso ng naturang sakit ang kanilang naitala ng subalit mas mababa umano ito nang di hamak noong nakaraang taon ayon kay Dr. Gerna Manatad-May-as, regional epidemiologist and chief of Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ng DoH Caraga.

“This is lower by 72 percent compared to the same period last year where there were about 1,851 suspected dengue cases here in Caraga Region,” salaysay ni Dr. Manatad-May-as.

Karamihan sa mga nagkasakit ng dengue ay mga lalaki na umabot sa 53 porsiyento sa kabuuang bilang.

Pinakamaraming naitalang dengue case sa lungsod ng Surigao na nasa 107 katao. Sinudan ng Butuan City, 93; Surigao del Norte, 84; Surigao del Sur, 72; Agusan del Sur, 63; Agusan del Norte, 47; Tandag City, 19; Cabadbaran City, 15; Bislig City; 14; Bayugan City, walo; at Dinagat Island, tatlo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply