2 tindero dinukot sa Sulu

DALAWANG ukay-ukay vendors ang dinukot ng mga armadong grupo sa Patikul, Sulu habang papauwi na ang mga ito sa kanilang bahay pagkatapos ng kanilang pagtitinda.

Hinihinalang grupo ni Basarun Aruk ang dumukot sa dalawang biktima na nakilalang sina Ambon Blas, 60, at Perla Bagay, 25, kapwa mga residente ng Palar Village, Barangay Liang, Patikul,Sulu.

Base sa inisyal na report, pauwi na ang dalawang biktima na magkaangkas sa isang Honda wave single motorcycle nang harangin ng grupo ni Basarun Aruk.

Hindi naman tumitigil ang hot pursuit operation ng mga awtoridad sa probinsya para mailigtas ang mga bihag mula sa kamay ng kanilang mga abductors.

Tinatayang siyam na ang biktima ng pagdukot na hawak ngayon ng mga bandidong grupo kabilang sa mga ito ang isang Japanese national, dalawang crew ng Mega Fishing Company, Malaysian at Indian nationals, isang midwife at ang pinakahuli ay ang dalawang vendors.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply