2 todas sa road accident sa Iloilo

NAMATAY ang pasahero at konduktor ng pampasaherong sasakyan na naaksidente sa Barangay Sigangaw, Zarraga, Iloilo ngayaong araw (Miyerkules, Agosto 31).

Nakilala ang mga nasawing biktima na sina Gerardo Bernardez Trespesa Jr., 41, ng Tubungan, Iloilo at ang konduktor na nakilalang si Bobby Sion, 20, residente ng Brgy. Lanas, Barotac Nuevo.

Bukod sa namatay, pitong pasahero pa ang nasugatan at kasalukuyang ginagamot sa West Visayas State University Medical Center sa lungsod ng Iloilo.

Base sa mga saksi, mabilis ang takbo ng nasabing sasakyan na may rutang Barotac Nuevo-Iloilo City. Nawalan umano ng kontrol ang drayber pagdating sa harapan ng paaralan sa Brgy. Sigangaw, Zarraga.

Sa puntong ito, biglang ikinabig ng drayber ang manibela ng sasakyan kaya tumilapon ang konduktor at ang isang pasahero. Sa lakas ng impact ng pagkatilapon ng dalawa ay nabasag ang ulo ng pasahero at naiwan pa sa daan ang bahagi ng nagkalasog-lasog na bungo at utak nito.

Naisugod pa sa pagamutan ang konduktor ngunit agad ding itong binawian ng buhay.

Karamihan naman sa mga sugatan ay nabalian ng buto matapos mahulog sa malalim na kanal sa gilid ng daan.

Iniimbestigahan pa ang naturang aksidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply