2 tulak arestado ng PDEA

DALAWANG kabataan ang nadakip ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 3  sa inilunsad na OPLAN : SHIELD ng ahensiya kung saan nahuli sila sa aktong nagbebenta ng 60 piraso ng ecstasy capsules sa isang poseur buyer ng ahensiya sa isang gasoline station sa North Luzon Expressway (NLEX)

Kinilala ni  PDEA Director General Undersecretary Jose Gutierrez Jr.  ang mga nahuling suspek na sina Samuel Hernandez, ng 27 Bangkal St., Makati City; at  Pinky Tashi, Filipino-Japanese ng Short Horn St., Project 7, Muñoz, Quezon City.

Nagnegatibo naman sa ecstasy ang mga nakumpiskang kapsula pero nagpositibo naman ito sa pagkakaroon ng 43 gramo ng Midazolam, isang uri ng dangerous drugs na kabilang sa Schedule IV ng United Nations Convention on Psychotropic substance na ipinagbabawal sa ilalim ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 matapos ang isinagawang laboratory examination ng PDEA Laboratory Service (PDEA-LS).

Dahil dito, sina Hernandez at Tashi ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng RA 9165 at pansamantalang nakadetine sa PDEA RO3 detention facility sa Camp Olivas, San Fernando, Pampanga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply