2 yrs na walang kuryente ang mga biktima ni Ondoy

NAG-IIYAKAN na ang mga residente ng Southville 8, San Isidro, Montalban, Rizal dahil sa halos dalawang taon na silang walang suplay ng kuryente.

Aba’y maawa naman kayo riyan sa National Housing Authority sa mga residenteng ni-relocate ninyo sa Montalban na hanggang ngayon ay wala man lang suplay ng kuryente.

Ang mga taong ito ay biktima ng bagyong si Ondoy. Halos ilang taon na rin silang nagtitiis nang walang kuryente.  Hindi ba ninyo magawan ng paraan para magkaroon sila ng kuryente?

Basahin ninyo ang nilalaman ng kanilang reklamo para naman mabagbag ang inyong damdamin.

Dear, Sir Johnny. Isa ako sa mga masusugid na tagasubaybay ng inyong kolum na Juan de Sabog.

Nais ko sanang  ireklamo ‘yung ilaw namin sa Southville 8, San Isidro, Montalban, Rizal. Halos dalawang taon na kaming nagtitiis sa dilim sa aming mga tahanan.

Mahirap pong kumilos nang walang ‘suplay ng kur-yente’ dahil hindi ka makagalaw nang maayos. Pinagtitiyagaan na lang ng mga anak namin na pumasok kahit gusot-gusot ang kanilang mga uniporme sa kanilang eskuwelahan.

Sir Johnny, kami po yung mga biktima ng bag-yong Ondoy noon na ni-relocate sa Montalban. Sana matulungan ninyo kami sa problema namin. Salamat po.

LOTENG SA BIÑAN ANTATSABOL

Hindi mapatigil ang operasyon ng bookies ng loteng nina Tata Bert at Ronel sa Biñan, Laguna.

Sa bawat nagpapaloteng sa Biñan ay 5% ang para sa kanang‘ kanang-kamay’ ni Mayora Lenlen Alonte na si Engr. Edu.

Hindi matibag-tibag ng kahit sinomang kapulisan ng Biñan ang operasyon ng loteng ng dalawa dahil sa malaki ang ‘lagay’ nila.

Anomang mga reklamo o puna ay itext lang sa 0918-9274764,09266719269 o email juandesabog @ yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply