20 vintage bomb nahukay sa La Union

NASA 20 vintage bomb at mga kagamitang pandigma ang nahukay ng mga construction worker sa tabi ng munisipyo sa bayan ng Pugo, La Union.

Ayon kay S/Insp. Jolly Ngayaan, hepe ng Pugo police station, natagpuan ang mga kagamitang pandigma sa ipinatatayong legislative building ng nasabing bayan.

Kasama sa mga nahukay ay ang 248 pirasong 60mm mortar shells, iba’t-ibang uri ng bala na hindi pa matukoy ang bilang at mga pampasabog na hinihinalang ginamit pa noong World War II.

Kasalukuyan nang nasa pag-iingat ng Explosive Ordnance Disposal Teams ng Police Regional Office-1 ang mga nahukay na kagamitang pandigma upang maiwasan ang pagsabog ng mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply