200 mahihirap bibigyan ng pagkakakitaan

MAKATATANGGAP ng tulong mula sa sustainable livelihood program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang may 200 residenteng mahihirap na benepisaryo rin ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ayon kay Aldrin Ronquillo, project development officer ng DSWD-4A Lucena extension office, 75 sa mga benispisaryo ay mula sa bayan ng Buenavista, 25 mula sa San Narciso at 155 mula sa San Francisco.

Ang mga benepisaryo ay sasailalim muna sa apat na araw na pagsasanaysa programang Self-Employment Assistance-Kaunlaran (SEA-K) sa kani-kanilang bayan mula ngayong Agosto 16 hanggang Agosto 18.

Ipaliliwanag din sa kanila ang mga patakaran bilang miyembro ng SEA-K, kasama na ang pagbabayad ng hiniram na puhunan sa negosyo na walang tubo.

Matapos ang pagsasanay, bubuo ng SEA-K associations na siyang gagawa ng project proposal na isusumite sa DSWD. Gagawa naman ng mother project proposal ang DSWD upang mapondohan ito.

Kapag naaprubahan at maibigay na ang pondo sa mga benepisaryo, ito naman ang kanilang gagamitin bilang puhunan sa kani-kanilang proyektong pangkabuhayan base sa kanilang isinumiteng project proposal sa DSWD. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply