2011 rally cross series

TAGUMAPAY sa OPEN class ang beteranong rally champion na si Vip Isada noong nakaraang Linggo sa 1st leg ng Enchanted Kingdom rallyEKross Series na ginanap dito.

Si Isada ay 10-time national rally champion ng bansa. Gamit ang kanyang stock 1.3 Honda City. Siya ay umoras ng 1’37.39 minuto at ito’y sapat para makuha rin niya ang best time of the day.

Pumangalawa kay Isada ay ang isa ring beteranong drayber na si Jun Diaz na umoras ng 1’39.29 minuto dala ang kanyang 1.6 Toyota Corolla GLI habang pumangatlo naman ang anak ni Isada na si Ivan na nag sumite ng oras na 1’40.24 minuto.

Ang susunod na karera ay gaganapin sa Set. 17.

Ang  Enchanted Kingdom rallyEKross Series ay suportado ng Stoplight TV, Inside Motoring, Top Gear Philippines, Kotse.com, Racing beat sa Wave 89.1, Pinoy Speed Balitang Motoring at Ronda Remate Motoring.

Ang mga iba pang nanalo:

Group 1:
1. Robbie Hermoso 1’42.29
2. Bernie Santos 1’47.31
3. Jun Espino 1’47.34

Group 2:
1. Jun Diaz 1’39.23
2. Paolo Santos 1’44.22
3. Alex Perez 1’44.92

Group 3:
1. Jun Diaz 1’38.15
2. David Feliciano 1’43.16
3. Paolo Santos 1’43.39

Group 4:
1. David Feliciano 1’42.17
2. Mike Tuason 1’44.24
3. Mon Lahoz 1’45.17

UV (Utility Vehicle)
1. Jun Magno 1’56.16
2. Albert Aranzaso 2’01.65
3. Louie Camacho 2’04.58

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply