2012 budget hindi iboboykot sa plenaryo

KUNG boykot ang minorya sa budget briefing ng House Committee on Appropriations kaugnay sa 2012 budget, siniguro naman ni Minority Leader Edcel Lagman na babantayan nila ang deliberasyon nito sa plenaryo.

Sa lingguhang press conference ng minorya sa Kamara, sinabi ni Lagman na “bakit kami magpa-participate sa isang sarzuela?”

Pakiramdam ng oposisyon ay balewala ang kanilang mga pagtatanong at suhestiyon dahil hindi naman ito tanggap ng komite kung kaya makabubuting busisiin na lamang umano ang panukalang 2012 budget sa deliberasyon sa plenaryo.

Magugunitang nitong Lunes ay nagdeklara ng boykot ang minorya matapos na magreklamo ang mga ito sa kawalan ng PDAF o pork barrel sa hanay ng mga kongresistang kabilang sa oposisyon.

Partikular na tinukoy nina Lagman, Deputy Minority Leader Danilo Suarez at Asst. Minority Leader Mitos Magsaysay na tila “ginagawa pa nilang sinungaling ang mga kongresista” dahil sa kabuuang 34 na miembro ng oposisyon ay 14 pa ang walang pork, 18 ang nabigyan subalit hindi kumpleto at dalawa lamang ang may buo.

Reaksyon ito ng mga mambabatas sa pahayag ni House Speaker Feliciano Belmonte na nabigyan na halos ang lahat ng pork barrel na P70 milyon na “entitlements” ng mga mambabatas na may hawak na distrito.

“Talagang walang rason kungdi iniipit lamang nila ang oposisyon,” giit ni Lagman.

Nilinaw pa ni Suarez na hindi maituturing na budget hearing ang ginagawa ngayon ng committee on appropriations dahil wala pa naman aniyang panukala ukol sa 2012 budget.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply