2012 budget ilulusot kahit may objections

TIWALA ang Malakanyang na mailulusot sa inaasahang panahon ang 2012 proposed national budget sa kabila ng bantang pagharang dito ng oposisyon.

Target ng Palasyo na mailusot ang P1.8 trillion national budget bago mag-Pasko.

Kanina ay sinimulan na ng Kamara ang budget deliberations at nakaamba ang pagharang dito ng mga kongresistang hindi pa nakatanggap ng pork barrel gayundin ang bantang “walk-out” ng minorya.

Sinabi naman ni Communications Sec. Ricky Carandang, tiwala sila dahil kaalyado nila ang mayorya sa Kongreso.

Ayon pa kay Carandang, maaga nilang naisumite ang budget proposal kaya mahaba-haba ang panahon para maidepensa at maipaliwanag.

Bukas naman sa Palasyo ang objections at kayang-kaya ng Depatrment of Budget and Management na malinawan ang mga kumokontrang kongresista.

Mahalaga umanong mailusot ang budget para mapondohan ang mga social projects na kailangan para sa mga mahihirap.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply