204 bagong kaso ng HIV naitala

MAY 204 ang bagong talang kaso ng HIV sa buwan lamang ng Hulyo na mas mataas ng 56% kumpara noong nakaraang taon kung  saan ay 40 ang mga overseas Filipino workers (OFWs) at dalawa na rito ang  namatay dahil sa nasabing  sakit.

Ito ang pahayag ni LPG/MA Rep. Arnel Ty at sinabing may 327 na  ang bilang  ng mga namamatay  sa bansa  dahil  sa nakakamatay na sakit sa dulot nitong  pagbaba ng immune system.

Ang HIV ang siyang sanhi ng Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) na sakit na wala pang nagiging kagamutan.

Base aniya sa data ng National Epidemiology Center data, 183 sa mga  may HIV cases noong Hunyo ay mga kalalakihan, 21 naman ang kababaihan at sila ay nasa  edad  na  20 hanggang  29 taong gulang at ang 107 sa kanila ay nagmumula sa Metro Manila.

Samantalang ang 40 na bilang ng OFWs ay 32 ang lalaki at walo naman ang babae. Beth Aragon

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply