2,065 pamilya binaha sa Mindoro

UMABOT ng 2,065 pamilya ang naapektuhan ng pagbaha sa lalawigan ng Mindoro dahil sa apat na araw na walang tigil na pag-ulan, ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Nabatid na binaha ang mga bayan ng Calintaan, Sablayan, San Jose at Sta. Cruz.

Napilitang lumikas sa matataas na lugar ang ibang residente rito habang pinutol din ang supply ng kuryente sa mga naturang lugar para maiwasan ang pagkakakuryente ng mga tao.

Sa ngayon umano ay humuhupa na ang tubig baha at ibinalik na rin ang ibang supply ng kuryente sa lalawigan. Maaari na ring madaan ang mga kalsada.

Nahirapan ang mga lokal ng pamahalaan ng puntahan upang bigyan ng mga pagkain ang mga apektadong residente na nakatira sa malalayong lugar nitong huling tatlong dahil sa taas ng tubig-baha sa mga nasabing lugar.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply