21 crew na ang nailigtas sa nagsalpukang barko

NAILIGTAS na ang 21 crew ng dalawang nagsalupukang barko sa Sarangani Bay sa isinasagawang search and rescue operation habang dalawa pa ang pinaghahanap.

Ayon kay Nel Montañes ng Philippine Ports Authority, naganap ang salpukan Marte ng gabi nang magkasalubong ang Bulk Carrier 1 na papunta sana ng Dumaguete City at ang paparating na barkong Buccini ng kompanyang ATL na galing ng Davao City.

Ang Bulk Carrier 1 na may kargang mais ay maliit lamang kaya kaagad itong lumubog.

Sa inisyal report, madilim ang visibility kagabi dahil sa sama ng panahon kaya hindi napansin ng SS Puccini na makasasalubong nito ang Bulk carrier 1 at hindi na nagawa pang umiwas kaya bumangga ito sa cargo vessel.

Dahil dito, tuluyang lumubog ang nasabing barko at nagkaroon ng oil spillage sa Sarangani bay.

Ayon naman sa Philippine Coast Guard (PCG) hindi naman delikado ang diesel fuel na tumagas sa halos dalawang ektarya ng karagatan.

Patuloy pa ang monitoring at search and rescue operation sa pinangyarihan ng insidente.

Nakaantabay naman ang mga ambulansiya sa Makar Wharf at maging ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa pagdating ng mga survivor.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply