226 na ang patay sa dengue

UMABOT na sa 38,376 ang bilang ng mga kaso ng dengue sa bansa at 226 na ang namatay, ayon sa Philippine National Red Cross (PNRC).

Ayon sa PNRC, delayed diagnosis ang isang karaniwang dahilan kung bakit namamatay ng mga pasyenteng may dengue.

Karamihan sa tinatamaan ng naturang sakit ay mga bata na may edad na isa hanggang sampu.

Gayunman, ang pinakabatang namatay ay isang-buwang-gulang na sanggol, habang ang pinakamatanda naman ay isang 90-anyos na lalaki.

Naiulat na ring nagkaroon ng dengue outbreak sa lalawigan ng Ilocos Sur, kaya pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga residente ng nasabing probinsya na panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran upang hindi pamahayan ng mga lamok na nagdadala ng nakamamatay na sakit na dengue.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply