23 cosmetic whitening products ipinagbawal ng FDA

MAHIGPIT na ipinagbabawal ngayon ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng may 23 cosmetic whitening products na natuklasang lumagpas ang sangkap sa tamang lebel ng mercury.

Karamihan sa produkto walang nakatalang impormasyon kaugnay sa pinagpagawaan at kung saan lugar iniimpake ang produkto. Karaniwan sa mga naka-display ay may mga tatak o ginawa mula bansang Hong Kong, Taiwan at China.

Ayon kay FDA director Suzette Lazo, nang isalang sa lobaratoryo, ang mga produkto ay natuklasang lumagpas sa limitasyon sa sangkap ng mercury na one part per million.

“These cosmetic products, therefore, pose imminent danger or injury to the consuming public and the importation, selling or offering for sale of such is in direct violation of the FDA Act of 2009,” batay sa Advisory No. 2011-012 na inilabas ng FDA.

Inatasan ng FDA ang kanilang personnel na hakutin ang lahat na ipinagbabawal na produkto sa mga retail outlets at iba’t-ibang establisimiyento.

Hiniling na rin ng FDA sa local government units (LGUs) na makipagtulungan para arestuhin at kumpiskahin ang mga itinitindang produkto.

Kabilang sa mga ipinagbabawal na produkto ay ang  Miss Beauty Magic Cream; Miss Beauty Excellent Therapy Whitening Cream; Dagette and Ramsdell Underarm Lightening Cream; Lanmeirou 12 Days Whiten and Speckle Removing Suit; Berglotus Spot Removing Series; Yoko Gentlemen Cream for Men; Jonathan Clearing Facial Spots 12 Day Cream; The Flower Woman 7-day Whitening and Spot and Night Set Cream; Sara Glutathione Sheep Placenta Whitening and Anti-Spot Cream; Aichun Beauty Green Tea Whitening Speckle Removing Series Cream; at Aichun Beauty Whitening Freckle Day and Night Cream.

Magugunita na unang inilagay sa listahan ang ipinagbabawal na produkto ang  BIB Night Cream Whitening Cream – 922; Pretty Model Whitening and Freckle Removing (Day Cream and Night Cream-Set); Pretty Girl 10 Day Special Cream; Pretty Girl Green Cucumber and Ginseng Cream; Liliki Whitening Day Cream – 911; Liliki Whitening Night Cream – 912; New Miss Beauty Magic Cream; Jiaoli Rejuvenation Essence 10 Days Speckle Removing; Jaio Liang 7 Days Eliminating Fredkle AB Set; Jiao Liang 10 Days Eliminating Fredkle AB Set; Beauty Girl 6 Days Specific Eliminating Fredkle Whitening Cream Egg White and Tomato 3in1; at Beautiful Dream Whitening Anti-Speckle and Anti-Azne Kit.

Natuklasan pa sa ginawang pagsusuri ng FDA sa mga banned products na nagtataglay ang mga ito ng mataasa na mercury content na umaabot sa 28,600 ppm.

Batay sa pahayag ng Department of Health (DoH), ang mercury ay isang lason na labis na pumipinsala sa bato o kidney pati ang sistema ng katawan kasama na rito ang nervous, cardiovascular, respiratory, gastrointestinal, hematologic, immune at reproductive systems. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply