23 pampaputi mula sa China nakamamatay

NAGBABALA ngayong, Miyerkules, ang Food and Drug Authority (FAD) ng Department of Health (DOH) hinggil sa 23 mga pampaganda na nakapagpapaputi umano ng balat na mula China ay nakamamatay dahil sa labis na taglay na mercury.

Ayon sa ahensya, ipasasara ang tindahan at ipakukulong ang may-ari nito kung mapatutunayang nagtitinda sila ng nasabing mapangabin na beauty products.

Dahil umano sa nasabing mga skin whitener, ang mga gumagamit ay nagkakaroon ng skin rashes, nasisiraan ng bait, nabibingi, nakararanas ng eye irritation, nagtatae o kaya naman ay tumataas ang diarrhea at blood pressure.

Ang iba umano sa kanila ay may mercury content na 28,600 parts per million, na lampas sa pinapayagan ng FDA standard na 1 ppm sa mga cosmetics.

Pwede rin umanong managot dito ang Bureau of Customs kung paanong nakalusot sa kanila ang nasabing mga ‘harmful products.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply