25 empleyado ng QC kinasuhan sa Ombudsman

PINAKAKASUHAN ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa Ombudsman ang kanyang 25 tiwaling empleyado ngayon, Huwebes.

Kinilala ang mga inireklamong kawani na may permanenteng posisyon ay sina Mario DC Bautista; Roman Kenneth A. Marquez; Evelyn S. Magsino; Nelson U. Navarro; at Frederick L. Doña pawang nakatakaga sa Office of the City Treasurer na pinamumunuan ni Edgar Villanueva.

Inireklamo rin ang mga permanenteng kawani na sina Chona R. Vicente; Angelita A. Manaloto; Lolita E. Lucero; Marilou G. Jayme; Angelito D. Bustos; at Aida L. Valmocina, pawang nakatalaga naman sa Department of Public Order and Safety (DPOS) sa ilalim ng pamumuno ni Retired Police General Elmo San Diego.

Ang 11 kawani ng QC Hall ay nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti Graft and Corrupt Practices Act at Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees dahil sa umano’y pamemeke ng resibo.

Mula pa rin DPOS, inireklamo rin ang ilang contractual employees na sina Traffic Enforcers Manolete Nicole L. Agsalud; Joel G. Gueta; Vicente T. Bernal; Menandro L. Taon; Leonard James M. Jayme; Victoriano C. Bendoy; Bernabe G. Ebe Jr.; Generoso S. Duran; Ariel M. Batungbacal; Salvador V. Neri; Marlon D. Tadeo; Jonathan R. Ibe; Elias B. Fresnido; at Mandy P. Odover.

Haharapin naman nila ang kasong falsification of public documents at paglabag din sa RA 3019 dahil umano sa iligal na pagbebenta naman ng mga tinatawag na Ordinance Violation Receipt (OVR) na isang uri ng tiket laban sa mga drayber na lumalabag sa batas-trapiko.

Agad na pinasibak ni Bautista ang ilang contractual employees at sinuspinde naman ang mga permanenteng kawani habang dinidinig ang reklamo sa Ombudsman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply