250 OFWs sa Syria ‘hostage’ ng employers

MAHIGIT sa 250 overseas Filipino workers(OFWs) sa Syria ang mistulang hostage ng ngayon ng kanilang employer dahil sa ayaw palayain hangga’t hindi nagbabayad ng malaking halaga ng pera.

Napag-alaman ni Sen. Manny Villar na bawat OFWs na gustong umuwi ng Pilipinas bunga ng kaguluhan sa Syria ay sinisingil ng kanilang employer ng $3,000 hanggang $4,000.

Dahil dito, iginiit ni Villar sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foreign Affairs (DFA) na magpadala ng mga beteranong labor attaches sa Syria upang makipagnegosasyon sa mga employer na ayaw pakawalan ang ating mga kababayan doon.

Sa hearing ng Senate committee on finance sa panukalang budget ng DOLE para sa taong 2012 nitong Lunes, ipinabatid ni DOLE Secretary Rosalinda Baldoz na sa 17,000 OFWs sa Syria, may 258 domestic helper na ang tumugon sa voluntary repatriation ng gobyerno sa pinakahuling bilang noong Lunes ng gabi.

Ang problema – hindi sila mabigyan ng exit clearance ng kanilang employer dahil sa sinisingil sila ng $3,000 hanggang $4,000 ng kanilang employer.

Ipinaliwanag naman ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Carmelita Dimzon na kaya sinisingil ang mga domestic helper ng naturang halaga dahil hindi pa sila nakakabawi sa ginastos nila sa pagkuha dito

Sinabi pa ng OWWA chief na walang budget ang DOLE at DFA para bayaran ang sinisingil ng employers dahil kung susumahin lahat ito ay aabutin ng mahigit P43 milyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply