28 katao, kongresista tepok sa pagsabog sa Iraq

NASAWI ang may 29 katao kabilang ang isang mambabatas habang 38 ang sugatan makaraang pinasok ng isang suicide bomber ang pinakamalaking Sunni mosque sa Baghdad, Iraq.

Nabatid na nasa kalagitnaan ng pagdarasal ang mga deboto sa loob ng Um al-Qura mosque nang pinasabog ng suicide bomber ang sarili. Kung saan nasawi ang kongresistang si Khalid al-Fahdawi.

Wala pang umaako sa reponsbilidad ng pambobomba ngunit ang kadalasan sa mga pasagbog sa Iraq ay gawa ng teroristang grupo na Al Qaeda.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply