29 katao patay sa leptospirosis sa W. Visayas

HABANG nananalasa ang dengue sa halos kabuuan ng bansa, lumobo naman sa 290 ang kaso ng leptospirosis sa Western Visayas kung saan umabot na sa 29 ang namamatay ngayong taon.

Sinabi ng Department of Health (DOH) regional office na ang 190 cases na mula Enero 1 hanggang Agosto 13 ay higit na mas mataas sa 63 kaso at walong kaswalidad sa parehong period noong 2010.

Ayon pa sa DOH, ang leptospirosis ay isang potentially deadly disease na sanhi ng direct exposure sa bakterya na makukuha sa ihi o dumi ng mga infected animals, tulad ng daga.

Base pa sa DOH, nangunguna sa leptospirosis chart ang Iloilo province na may 158 kaso kabilang ang 13 namatay.

Dahil dito, hinikayat ni Director for Emerging/Re-emerging Diseases Prevention and Control Dr. Ma. Jocelyn Te, ang publiko na hanggang maaari ay iwasan ang magbabad sa baha dahil dito sumasama ang dumi at ihi ng mga daga.

“We emphasize that they should wear boots if wading cannot be avoided,” pahayag pa nito.

Sa kabila nito, ipinagmalaki naman ni Iloilo Provincial Administrator Raul Banias at Assistant Provincial Health Officer Ma. Socorro Quiñon, na wala pang outbreak o biglang pagdami ng naapektuhan ng inspeksyon.

Sinabi ni Quiñon, 12 bagong kaso lamang ang naiulat habang ang dati nang may inpeksyon, na iniulat simula pa noong Enero ay nakarekober o gumaling na.

May 66 na kaso ang Negros Occidental kabilang ang kaswalidad, 17 sa Capiz kung saan lima ang patay, Bacolod City ay may 19 at isang kaswalidad, 17 sa Iloilo na may dalawang kaswalidad habang ang Antique ay may siyam habang ang Guimaras ay may apat na kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply