29,000 paslit patay sa gutom sa Somalia

PATAY sa gutom ang may 29,0000 na paslit na hindi bababa sa limang taong gulang sa Somalia at iba pang bansa sa Horn of Africa habang 640,000 ang may acute malnourished.

Batay sa pahayag ng United Nations, nagkukumahog ngayong matulungan ang mga mamamayang apektado ng gutom dahil sa matinding tagtuyot.

Naitala ng US Centers for Disease Control and Prevention ang bilang ng mga nasawi kung saan napag-alamang lumawak pa ang mga lugar sa Somalia na apektado ng gutom habang tatlong rehiyon pa ang idineklara ng UN na famine zone.

Nahihirapang magdala ng tulong sa Somalia bunsod ng pagharang ng mga militante na kasapi ng Al Qaeda sa mga food aid.

Samantala, bagama’t daang milyon na ang naitulong ng international community, inihayag ng UN na kilangan pa nila ng daan-daang milyon para tugunan ang krisis sa Africa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply