3-4 mabagsik na bagyo hahagupit sa Setyembre

HABANG hindi pa halos nakakaahon mula sa apekto ng bagsik ng tropical cyclone “Mina” (international name: Nanmadol), nagbabala naman agad ang weather forecasters na maghanda ang Pilipinas sa tatlo hanggang apat na mapaminsala at mabagsik na bagyo na papasok sa bansa sa Setyembre.

Sa kanilang Twitter account, sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na inaasahan ng ahensya na papasok sa bansa ang tatlo hanggang apat na tropical cyclones sa susunod na buwan.

Kaugnay nito, ayon naman sa Department of Science and Technology (DOST), na walo pang bagyo ang inaasahan bago matapos ang 2011, na ang lahat ay pawang mapanganib, mabagsik at malaki ang tiyansang tumama sa lupa.

Sa panayam kay Science and Technology Undersecretary Graciano Yumul Jr., sinabi nitong 11 cyclone lamang ang dumaan sa bansa noong nakaraang taon pero ngayong taon ang inaasahang papasok ay 13 cyclone.

Dagdag pa ni Yumul, ang mga bagyong papasok sa bansa sa tinatawag ng ‘ber’ months (Setyembre hanggang Disyembre) ay tatama sa lupa o magla-landfall.

“Ang ‘ber’ months, ito ang may kalakasan na bagyo na nagla-landfall, ito ang tumatama,” pahayag pa ni Yumul.

Kahit hindi pa namumuo, may lokal na pangalan na agad ang mga bagyong inaasahang darating sa bansa at ito ay tulad ng Nonoy, Onyok, Pedring, Quiel, Ramon, Sendong, Tisoy, at Ursula.

Kung sakaling may iba pang darating sa bansa ngayong taon, papangalanang itong  Viring, Weng, Yoyoy, at Zigzag.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply