3 anak nilason ng sariling ama

TATLONG bata ang pinainom ng lason ng kanilang sariling ama makaraan ang matinding pag-aaway ng kanilang mga magulang sa Cagayan de Oro kagabi, Agosto 14.

Nabatid na isinugod sa Northern Mindanao Medical Center ang tatlong bata matapos umanong pinainom ng lason na inihalo sa chocolate drink ng kanilang sariling ama sa Zone 1, Punta Bonbon sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Napag-alaman pang ang mga biktimang hindi pinangalanan ay may edad na isang taon, tatlong taon at limang taong gulang habang nakilala naman ang suspek na si Joel Janulino na uminom din ng lason matapos ang ginawang pagpapainom sa mga anak kung kaya’t isinugod din ito sa ospital.

Nabatid pa na nagkaroon ng matinding away si Joel at asawa nito na nasa Metro Manila sa pamamagitan ng text bago maganap ang paglason.

Kasalukuyan pa ring iinoobserbahan ang mag-aama sa ospital.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply