3-anyos nalitson sa sunog sa Misamis Oriental

ISANG tatlong taong gulang na lalaki ang nalitson nang buhay sa naganap na sunog na tumupok sa may sampung kabahayan sa Misamis Oriental kagabi.

Sa Report na isinumite sa PNP Command Operation center, namatay ang biktima na si Joseph Acorda nang hindi agad makalabas sa nasusunog nilang bahay sa Brgy. Sugbongcogon, Tagoloan.

Ayon kay SPO4 Renerio Cabanis sa Tagoloan Police Station, nadamay sa sunog ang bata nang makaligtaan ng kanyang ama na lasing na lasing kung kaya nasunog ito kasama ang kanilang bahay.

Sa pagsisiyasat ng mga arson investigator, lumalabas na nagmula ang sunog sa pamamahay ng isang Jerry Villosa, na hinihinalang nag-ugat sa faulty electrical wiring o shot circuit.

Sinabi pa ng mga imbestigador na  mabilis na nilamon ng apoy ang mga bahay dahil pawang gawa ang mga ito sa light materials.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply